Nakaligtas sa parusang kamatayan ang isang Pinay na kinasuhan ng murder sa United Arab Emirates matapos absweltuhin ng Court of Appeals sa Al Ain.
Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Kinumpirma ng embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi na idineklarang inosente si Jennifer Dalquez kung saan hindi rin siya pinagbabayad ng blood money.
"Ms. Dalquez, 30, was charged with murder for allegedly killing Mr. Alaryani.
Through her counsel, she argued that she was defending herself from his attempt to rape her when the incident occurred on 7 December 2014," pahayag ng DFA ngayong Martes.
Sa kabila nito, limang taon pa rin naman ang kaniyang kailangang bunuin dahil sa pagnanakaw ng mobile phone.
Hinatulan ang Pinay worker noong Mayo 20, 2015 dahil sa umano'y pagpatay sa kaniyang employee ngunit kaagad naman siyang nabigyan ng abogado ng DFA.
"Her parents went to visit her in Al Ain in October 2015 and in March 2017, through the assistance of the DFA," nakasaad pa sa pahayag ng kagawaran.
Nitong nakaraang taon ay nanawagan ang women's group Gabriela kay Pangulong Rodrigo Duterte upang mailigtas si Dalquez noong bumisita siya sa Middle East.
20 Hunyo 2017 - 23:51
News ID: 837789
Nakaligtas sa parusang kamatayan ang isang Pinay na kinasuhan ng murder sa United Arab Emirates matapos absweltuhin ng Court of Appeals sa Al Ain.